Sinabi nito na magandang pagkakataon ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte sa Lunes para iprisinta ang malinaw at komprehensibong plano para malagpasan ng bansa at mga Filipino ang pandemiya.
Dapat aniya suriin ng Inter-Agency Task Force ang kanilang mga nagawa dahil ayon sa senador sa kanyang palagay ay hindi epektibo ang ginagawang diskarte ng gobyerno dahil patuloy ang paglobo ng bilang ng mga nagkakasakit.
Dagdag pa ni Drilon tutulong ang oposisyon para mapasigla muli ang ekonomiya ngunit kailangan din maging malinaw ang plano ng gobyerno, kung magdadagdag ng buwis o mangungutang.
Ngunit sa kanyang palagay mahihirapan kung magpapataw ng mga bagong buwis dahil nakadapa ang maraming negosyo.
“Ito po kailangan dito ang comprehensive plan. Kailangan po maibalik ang tiwala natin. Kung walang confidence ang tao, hindi susunod sa mga sasabihin ng gobyerno – Si Sec. Duque hindi po ba? Kung wala kang tiwala o kumpiyansa, talagang hindi ka susunod at kapag hindi ka sumunod, talagang magtuturuan. Ang sabi nila, pasaway ang mga tao at ang sabi naman ng tao, aba naghahanap kami ng trabaho,” katuwiran ni Drilon.
Excerpt: