Ito ang sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto kaugnay sa mga pagdududa sa pagkamatay ng ilang high profile prisoners sa National Bilibid Prison dahil sa COVID-19.
Dagdag pa ni Recto hindi na kailangan na isapubliko pa ang retrato ng bangkay kundi ipakita lang ito kay Justice Sec. Menardo Guevarra at ang kalihim na lang ang kukumpirma na patay na ang mga preso.
“Kung mayroong CCTV footage of the body being brought out, the better. And why should there be none? A prison without surveillance cameras is like one without locks,” katuwiran pa ng senador.
Diin nito, kapag nagkaroon na ng linaw ang lahat ng mga pagdududa ay malilibing na.
MOST READ
LATEST STORIES