Isa pang empleyado ng Kamara nagpositibo sa COVID-19

Umakyat na sa labingwalo ang bilang ng mga empleyado ng Kamara na nagpopositibo sa COVID-19.

Ayon kay House Secretary General Atty. Jose Luis Montales, pinakahuli dito ang isang empleyado na nakatalaga sa Bills and Index Service.

Simula anya June 18 ay naka-work from home na ang empleyado pero noong June 29 ay nagtungo sa kanilang opisina upang magsumite ng mga dokumento.

Samantala, nag-negatibo na sa COVID-19 ang empleyado ng Kamara na nakatalaga sa Internal Audit Department na naunang tinamaan ng sakit.

 

Read more...