Comelec nangangailangan ng volunteers para sa paghahanda sa 2022 elections

Nagsimula nang maghanda ang Commission on Elections (Comelec) para sa 2022 elections.

Dahil dito, ayon sa Comelec, nangangailangan sila ng volunteers na makakatulong nila sa preparasyon para sa nalalapit na presidential elections.

Ayon sa Comelec, work-from-home ang magiging sistema sa mga volunteer.

Ang mga magiging volunteer ay magsisilbi bilang social media associate, writer at graphic artist.

Para sa mga interesado, maaring makipag-ugnayan sa Comelec at mag-iwan ng contact information.

 

 

Read more...