ER ng Andres Bonifacio Memorial Medical Center sa Maynila sarado hanggang July 23

Isinara muna sa publiko ang emergency room ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center sa Maynila.

Sa abiso ng pagamutan, ang pagsasara ng ER na inumpisahan kahapon (July 20) ng tanghali ay tatagal hanggang sa July 23 (12:00NN).

Ito ay para isailalim sa regular na paglilinis at disinfection ang ER.

Pinayuhan ang mga pasyente na magsadya muna sa piakamalapit na health center sa kanilang lugar o iba pang kalapit na ospital.

 

 

Read more...