Base sa inilabas na datos ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs, mayroong 34,296 na umuwing OFWs at non-OFWs ang nag-negatibo sa isinagawang RT-PCR tests.
Karagdagan ito sa mahigit 43,000 na returning overseas Filipinos na nag-negatibo sa COVID-19 simula noong June 12 hanggang July 7.
Maaring makita ang listahan ng mga dagdag na nag-negatibong Pinoy sa link na https://bit.ly/2WBfe2A
Ang mga nasa listahan ay maari nang makipag-ugnayan sa PCG o OWWA personnel sa kanilang quarantine facility para maiproseso ang kanilang pag-uwi sa mga lalawigan.
MOST READ
LATEST STORIES