Sampung volcanic earthquake naitala sa Mt. Kanlaon sa magdamag

Sa nakalipas na 24 na oras ay nakapagtala ng sampung volcanic earthquake sa Mt. Kanlaon.

Nakapagtala din ng mahinang pagbubuga ng steam-laden plumes na umabot sa 400 meters ang taas.

Ayon sa Volcano Bulletin ng Phivolcs na inilabas ngayong araw, noong July 18 ang sulfur dioxide mula sa Bulkang Kanlaon ay nasukat sa average na 583 tonnes/day.

Nananatili sa alert level 1 ang Mt. Kanlaon na nangangahulugang hindi pa rin normal ang kondisyon nito.

Paalala ng Phivolcs sa lokal na pamahalaan bawal pa rin ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) ng bulkan.

Inabisuhan din ang Civil aviation authorities na payuhan ang mga piloto na iwasan ang pagpapalipad ng eroplano malapit sa summit ng bulkan dahil maari itong magkaroon ng biglaang phreatic eruption.

 

 

Read more...