Offshore accounts ng PECO owners pinaiimbestigahan sa AMLC

Nakatakdang magsampa ng reklamo sa Anti Money Laudering Council (AMLC) ang isang abogado mula sa Iloilo City laban sa mga may-ari ng Panay Electric Company (PECO) matapos lumitaw na mayroon itong tatlong offshore companies sa Bahamas.

Ayon kay Atty. Zafiro Lauron ng Iloilo City ang reklamo ay kanyang ihahain sa AMLC upang magbukas ng imbestigasyon at malaman kung saan dinala ng PECO ang umabot na sa bilyong sinisingil nito sa mga power consumers gayong hindi naman napagbuti ang serbisyo at pasilidad nito sa loob ng ilang dekada.

“I will pursue this case on behalf of Ilonggos who suffered from paying electricity bills almost double of those being paid by people in Metro Manila,” pahayag ni Atty. Lauron.

Sinabi ni Lauron na may ilang dekada nagtiis ang mga residente ng Iloilo sa palpak na serbisyo at sira sira mga pasilidad ng PECO sa kabila ng pagbabayad nila ng sobra sobrang singil sa kuryente kaya nararapat lamang na imbestigahan ang mga offshore accounts nito.

Tinukoy ni Lauron ang isang report ng International Consortium of Investigative Journalists(ICU) isang U.S.-based nonprofit organization na may global network ng mga reporters at media organizations na nagsasagawa ng pagiimbestiga sa mga mahahalagang isyu sa buong mundo, na kasama ang PECO na pagmamayari ni Luis Miguel Cacho na nagmamay-ari ng investment companies sa British Virgin Islands.

Sa pamamagitan ng Portcullis TrustNet Fund Services Ltd., isang Singapore-based company ay nagawa umano ng PECO na makapagset-up ng 3 kumpanya sa British Virgin Islands.

Ang unang kumpanya ay Costa Group Investments Ltd na nakapangalan sa yumao nang si Luis Miguel Cacho, ang patriarch ng Cacho Clan ng PECO, nairehistro ito noong April 11, 2000 at may company address na Portcullis Trustnet Chambers, PO Box 3444 Road Town Tortola, Bristish Virgin Islands.

Kabilang sa Board of Directors ng kumpanya ay sina Luis Miguel Ayesa Cacho na umaakto din bilang corporate secretary, Jose Maria E. Cacho at isang William Michael Valtos Jr. Portcullis Trustnet (BVI or British Virgin Islands) Lt na nagsisilbi din keeper of records.

Si Luis Miguel ang tumatayong Pangulo at Chief Operating Officer ng PECO habang ang anak nito na si Marcelo Cacho ang syang head ng Public Engagement and Government Affairs.

Sa tulong din ng Portcullis Trustnet Fund Services Ltd at Financial Services Company na Valtos na nagooperate sa Piipinas, US at Asia ay nakapagset up pa ng dalawang investment company ang PECO, ang Prime Rose Technology na nairehistro sa British Virgin Island noong October 11,2000 kung saan tumatayong shareholders si Jose Maria Cacho at ikalawa ay ang Mega International Services na naiset-up noong Sept. 12, 2000 kung saan nakalista bilang shareholders sina Jose Maria E. Cacho at JMEC Development Corp habang ang PortCullis Trustnet ang nagsgsilbing keeper of records at sa registry.

Ang JMEC Development Corp ay isang kumpanya na nakarehistro sa Pilipinas na ang negosyo ay business management consultancy at real estate sale and development sa Iloilo City na matatagpuan naman sa 168 General Luna St, Iloilo City Proper, Iloilo City, 5000 Iloilo.

Ayon sa ICU, ang British Virgin Island ay isa sa pinagtataguan ng yaman ng mga mayayaman dahil na rin sa secrecy ng mga kumpanyang nangangasiwa ng mga investments.

“A well-paid industry of accountants, middlemen and other operatives has helped offshore patrons shroud their identities and business interests, providing shelter in many cases to money laundering or other misconduct.Ponzi schemers and other large-scale fraudsters routinely use offshore havens to pull off their shell games and move their ill-gotten gains,” ayon pa sa ICU report.

Nilinaw ng ICU na maituturing na legal ang pagiinvest sa British Virgin Islands subalit sa nakalipas na ilang taon ay natukoy na nagagamit ang offshore economy na ito para sa money laundering, tax evasion at fraud.

Sa Pilipinas ilan sa mga ICIJ members ay ang mga investigative journalists na sina Roel Landingin, convicted journalist Maria Ressa, US-based journalism school dean Sheila Coronel at multi-awarded journalist and investigative journalist Marites Danguilan Vitug.

 

 

Read more...