Antas ng tubig ng Angat dam muling nabawasan sa magdamag

Muli pang nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 184.24 meters alas-6:00 umaga ng Martes (July 21) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 184.36 meters.

Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 98.91 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 98.93 habang nabawasan din ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 77.73 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 77.74 meters.

Samantala, nabawasan din ang water level ng Ambuklao,Binga, Pantabangan, Magat at Caliraya dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng San Roque dam.

Read more...