Kaso ng COVID-19 sa Central Visayas halos, 14,000 na

Sumampa na sa halos 14,000 ang kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 230 na bagong kaso ng sakit kahapon.

Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 13,904 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 6,965 na lang ang aktibong kaso.

Umabot naman na sa 669 ang nasawi sa COVID-19 sa Central Visayas.

Nakapagtala naman ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 130 dahilan para umabot na sa 6,270 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.

Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 8,155 cases.

Narito naman ang kaso ng COVID-19 sa iba pang mga lalawigan at lungsod sa rehiyon:

Cebu Province – 2,606
Mandaue City – 1,510
Lapu-Lapu City – 1,494
Negros Oriental – 58
Bohol – 71
Siquijor – 0

 

 

Read more...