Office of the Ombudsman sa QC isasara sa Huwebes at Biyernes

Isasara muna sa Huwebes (July 23) at Biyernes (July 24) ang tanggapan ng Office of the Ombudsman sa Quezon City.

Ito ay para bigyang-daan ang pagsasagawa ng disinfection.

Layon nitong matiyak na ligtas ang mga staff at publikong nakikipagtransaksyon sa Office of the Ombudsman.

Ang clearance applications at online filing ng reklamo ay pwedeng gawin sa pamamagitan ng www.ombudsman.gov.ph.

Sa Lunes, July 27 ay magre-resume ang skeletal work force sa tanggapan.

 

 

 

Read more...