2,428 naaresto simula nang umiral ang lockdown sa Navotas City

Umabot na sa mahigit 2,400 ang bilang ng mga naarestong violators simula nang umiral ang lockdown sa Navotas City.

Sa datos ng Navotas City LGU, hanggang kahapon July 20 ay 2,428 na ang bilang ng mga naarestong lockdown violators.

Sa nasabing bilang, 2,301 ang nasa hustong gulang na habang 127 ang menor de edad.

Ang mga nahuli ay lumabag sa iba’t ibang ordinansa kabilang na ang mandatory na pagsusuot ng face mask.

 

 

Read more...