Kaso ng COVID-19 sa bansa aabot sa 130,000 pagsapit ng katapusan ng Agosto

Aabot sa 130,000 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas pagsapit ng katapusan ng Agosto.

Ito ang pagtaya ng grupo ng mga eksperto sa University of the Philippines (UP).

Ayon kay Dr. Darwin Bandoy ng UP COVID-19 Pandemic Response Team, ang layon nila sa paglalabas ng projection sa bilang ng COVID-19 cases ay para makapaghanda ang gobyerno.

Sinabi ni Bandoy na gamit ang mga modelo ay nagsasagawa sila ng pag-estimate sa hospital capacity at sa peak at duration ng infection.

Sa halip na katakutan ang UP projection sinabi ni Bandoy na dapat gamitin itong gabay para baguhin ang behavior at mas ayusin pa ang pagtugon sa pandemya.

 

 

Read more...