Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ipinatupad ng mga kumpanya ng langis

Nagpatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

10 centavos ang bawas sa presyo ng gasolina habang may dagdag naman na 15 centavos sa presyo ng kada litro ng kerosene.

Wala namang paggalaw sa presyo ng Diesel.

Epektibo ang price adjustment ng mga kumpanyang Petron, Shell, SeaOil, Flying V, Total, PTT, Phoenix Petroleum, at Petro Gazz alas 6:00 ng umaga.

Ang kumpanyang Chevron ay nauna nang nagpatupad ng price adjustiment alas 12:01 ng madaling araw.

Alas 8:01 naman ng umaga epektibo ang rollback ng kumpanyang Cleanfuel sa presyo ng gasolina.

 

 

 

 

Read more...