Binabantayang LPA ng PAGASA sa Eastern Samar malulusaw sa susunod na mga oras

Isang Low Pressure Area ang binabantayan ng PAGASA sa Eastern Samar.

Ang LPA na nakapaloob sa Intertropical Convergence Zone ay huling namataan sa layong 80 kilometers East Southeast ng Guiuan, Eastern Samar.

Ayon sa PAGASA, hindi magiging bagyo ang LPA at malulusaw na ito sa susunod na mga oras.

Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw, ang Bicol Region, MIMAROPA, buong Visayas, CARAGA, at Nothern Mindanao ay makararanas ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan.

Sa Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa, magiging mainit ang panahon at makararanas lang ng pag-ulan sa hapon o gabi dahil sa thunderstorms.

Wala namang inaasahang bagyo na papasok sa bansa sa susunod na tatlong araw.

 

 

 

 

Read more...