Manay, Davao Oriental niyanig ng magnitude 4.8 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 98 kilometers southeast ng bayan ng Manay, ala-1:29 madaling araw ng Martes (July 21).

May lalim na 13 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...