P74,800 halaga ng shabu, nasabat sa Dumaguete City

Nagkasa ang mga otoridad ng buy-bust operation sa Dumaguete City, Negros Oriental Linggo ng gabi.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency Central Visayas (PDEA RO7), ginawa ang operasyon sa bahagi ng Barangay Looc bandang 10:05 ng gabi.

Nagresulta ang pagkakaaresto sa suspek na si Carlos Nelson Navarro II, 45-anyos.

Nakumpiska sa suspek ang 19 pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P74,800, sling bag, digital weighing scale, at ginamit na buy-bust money.

Sasampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...