Mga gumaling na pulis sa COVID-19, sumampa na sa 600

Nadagdagan pa ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:20, Lunes ng gabi (July 20), 1,564 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

723 pulis ang itinuturing na probable cases habang 1,604 ang suspected cases.

Umabot naman sa 608 ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Nasa siyam pa rin ang pulis na pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.

Read more...