Malita, Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 13 kilometers northeast ng bayan ng Malita, alas-8:23 gabi ng Lunes (July 20).

May lalim na 142 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...