Dalawa pang barangay sa Pasay City, idineklarang ‘COVID-19 critical’

Nadagdagan pa ng dalawa ang bilang ng mga barangay sa Pasay City na idineklarang ‘critical areas’ dahil sa COVID-19.

Sa pahayag ng Pasay LGU, ang nadagdag ay ang Barangay 177, kung saan may 17 kumpirmadong kaso at Barangay 185 na may anim na COVID-19 patients.

Bunga nito, 16 barangay na sa lungsod ang itinuturing na ‘critical areas.’

Kayat muling nanawagan si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano sa mga taga-lungsod na huwag balewalain ang basic safety protocols, tulad ng pagsusuot ng mask, pagsunod sa physical distancing at paghuhugas ng kamay.

Dalawang linggo o 14 araw na epektibo ang lockdown sa mga barangay para limitahan ang galaw ng mga residente sa labas ng kanilang bahay.

Read more...