2020 SONA, sana may plano para sa mga nawalan ng trabaho – Sen. Villanueva

Joel Villanueva Facebook

Umaasa si Senator Joel Villanueva na matatalakay sa pang-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga plano na makakapagbigay ng trabaho sa mga milyon na walang trabaho, lalo na ang mga umuwing OFWs.

Aniya, dapat ang magiging mensahe ni Pangulong Duterte ay magsilbing utos na rin sa mga ahensiya ng gobyerno na gumawa ng paraan para sa muling pagpapasigla ng ekonomiya ng bansa.

“Mahalaga po na matalakay ang plano ng ating gobyerno kung paano tutugunan ang problema sa kawalan ng trabaho ngayong pandemya. Habang wala pang bakuna laban sa COVID-19, tuloy pa rin po dapat ang buhay at kailangan maging handa ang bawat isa sa atin na mag-adjust sa new normal,” ayon kay Villanueva.

Kasabay nito, ang kanyang muling panawagan sa gobyerno na magsagawa ng epidemiological monitoring and surveillance sa mga rehiyon na malakas at malawak ang mga aktibidad na pang-ekonomiya, gaya ng sa Metro Manila, Calabarzon at Cebu.

Suportado ng namumuno sa Senate Labor Committee ang pahayag ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na buksan na ang ekonomiya sa Metro Manila at Calabarzon dahil dito nagmumula ang 2/3 ng gross domestic product (GDP) ng bansa.

Ngunit, una nang sinabi nito na ang kumpiyansa ng mga negosyante ay nakatali sa mga diskarte ng gobyerno sa pakikipaglaban sa COVID-19.

Read more...