Sa inilabas na pahayag ng CebuPac, hindi papayagan ang mga pasahero na makatuloy sa kanilang biyahe kung resulta lang ng rapid test ang kanilang ipapakita.
Giit ng kumpaniya, ang regulasyon na ito ay itinakda ng mga lokal na awtoridad sa Davao Region.
Hinihikayat din ng CebuPac ang kanilang mga pasahero na alamin ang mga regulasyon ng mga lokal na pamahalaan na kanilang pupuntahan bago ituloy ang kanilang biyahe.
“They may be also be asked to provide their complete addresses prior to travel date. Providing inaccurate information or incomplete requirements may result in denied boarding of the flight,” dagdag paalala pa ng CebuPac.
Bilin din sa mga pasahero na huwag pumunta sa airport kung hindi nakakatiyak sa kanilang flight schedule.