Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang July 20, umakyat na sa 9,136 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 67 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,132 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
5,360 naman ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Samantala, umakyat na sa 644 ang pumanaw na Filipino abroad dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,605 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,074 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 698 naman ang kaso sa Americas at 759 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tutukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.