Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina, mahigit 600 na

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.

Base huling datos mula sa Marikina PIO Facebook page (3:00 PM Lunes, July 20) pumalo na sa 614 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus kung saan nakapagtala ng 19 na bagong kaso.

Sa nasabing bilang, 255 ang active cases.

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lungsod ay 34.

Ang bilang ng naka-recover o gumaling na sa sakit ay nasa 325 na.

Read more...