Batay sa anunsiyo, sinabi ng Ministry of Health sa Singapore na nakapagtala ng karagdagang 123 na kaso hanggang 12:00, Lunes ng tanghali (July 20).
Karamihan anila sa mga bagong kaso ay Work Permit holders na nakatira sa foreign worker dormitories.
“Based on our investigations so far, there are 11 case in the community, of whom five are Singaporeans/Permanent Residents, six are Work Pass holders,” ayon pa sa Ministry of Health ng naturang bansa.
Maliban dito, mayroon ding dalawang imported case na inilagay sa Stay-Home Notice o isolation pagkadating sa Singapore.
Sa ngayon, inaayos pa anila ang karagdagan pang detalye sa mga bagong kaso.
Sa kabuuan, pumalo na sa 48,035 ang confirmed COVID-19 cases sa Singapore.