India, nakapagtala ng higit 40,000 pang kaso ng COVID-19

Mahigit 40,000 ang bagong naitalang kaso ng COVID-19 sa India.

Sa datos ng health ministry sa India hanggang 8:00 ng umaga (July 20), pumalo na sa 1,118,043 ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit.

Sa nasabing bilang, 390,459 pa ang aktibong kaso.

Nadagdagan naman ng 22,664 ang mga gumaling.

Dahil dito, 700,087 na ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa India.

Umakyat naman sa 27,497 ang nasawi bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...