ICU, critical care beds, at wards para sa COVID-19 ng St. Luke’s Medical Center puno na

Naabot na ng St. Luke’s Medical Center ang full capacity sa Intensive Care Units (ICU), critical care beds, at wards para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients.

Ayon sa St. Luke’s kapwa puno na ang kapasidad ng kanilang ICU para sa COVID-19 sa BGC at Quezon City.

Maging ang critical care beds sa kanilang emergency room na ginawa na nilang doble ang kapasidad ay napuno na din.

“The critical care beds in the emergency room, which we have increased to twice the capacity to cater to more COVID-19 cases, have also reached full capacity,” ayon sa pahayag.

Ang COVID-19 wards sa BGC at QC at puno na rin at may mga pasyente pang nakapila para sa admission.

Pinayuhan ng ospital ang mga COVID-19 patients maging ang mga suspected at probable cases na sa ibang pagamutan na lamang muna magtungo.

 

Excerpt:

Read more...