Michael V. inanunsyong positibo siya sa COVID-19

Positibo sa COVID-19 ang aktor, TV host na si Michael V.

Sa kaniyang vlog inanunsyo ni Bitoy na nag-positibo siya sakit.

Ayon kay Michael V,, nakaranas siya ng flu-like symptoms gaya ng ubo, sipon at nawalan siya ng pang-amoy.

Agad siyang nagpasya na mag-isolate nang maranasan ang mga sintomas.

Noong ikaanim na araw ng pagkakaroon niya ng sintomas ay nagpasya na siyang magpa-swab test, at noong July 18 (Sabado) natanggap niya ang resulta na positibo siya sa sakit.

Ani Bitoy, nitong nagdaang mga araw ay bumibuti na ang kaniyang pakiramdam.

Hindi rin siya nakararanas ng mataas na lagnat.

Read more...