Bahagi ng Binangonan Public Market isinailalim sa lockdown

Nagpatupad ng lockdown sa ilang bahagi ng Binangonan Public Market sa lalawigan ng Rizal.

Sa Facebook page ng Pamahalaang Bayan ng Binangonan, sarado simula ngayong araw July 20 hanggang sa July 27 ang Phase 3 ng Meat and Fish section sa palengke.

Habang umiiral ang lockdown magsasagawa disinfection sa lugar.

Bibigyan din ng panahon ang mga stall owners upang makapaghanda ng protective measures sa kanilang mga tindahan.

Ang bayan ng Binangonan ay mayroong 125 na total confirmed cases ng COVID-19

Sa nasabing bilang, 53 ang aktibong kaso, 67 ang naka-recover na at 5 ang pumanaw.

 

Read more...