Ilang lansangan sa isang barangay sa Pasig isinailalim sa lockdown

Nagpatupad ng lockdown sa ilang mga lansangan sa isang barangay sa Pasig City.

Sa abiso ng Pasig City Information Office, simula kahapon, pinairal na ang lockdown sa mga lansangan ng Pipino, Labanos, Okra at Ubas sa Napico, Barangay Manggahan.

Ito ay dahil sa patuloy na pagdami ng bilang ng COVID-19 cases sa nasabing mga lugar.

Mananatili ang lockdown haggang sa bumaba na ang banta ng sakit.

Mamamahagi ng food packs ang lokal na pamahalaan para mabawasan ang pangangailangan na lumabas at bumili ng pagkain.

 

 

Read more...