Nagsagawa na lamang ng sariling program ang ilang grupo ng mga raliyista ngayong paggunita sa ika-tatlumpung anibersaryo ng EDSA People Power 1.
Ito’y dahil bigo silang makalusot mula sa hanay ng mga pulis na nakaposte sa bahagi ng tanggapan ng Department of Transportation and Communications o DOTC.
Ang mga raliyista ay mula sa grupo ng Bayan, Karapatan at Gabriela na pawang sinalungat ang speech ni Pangulong Noynoy Aquino ukol sa EDSA 30.
Sigaw nila, hindi ramdam ang demokrasya, at naungkat pa ang ilang isyu gaya ng pagkaka veto sa SSS pension hike bill.
Pero pasado alas 11 ng umaga ay kusang nadisperse o nag-alisan ang mga raliyista makaraang umulan.
Sa kabila ng kilos-protesta, sinabi ng PNP na wala silang naitalang untoward incidents, habang ayon sa Philippine Red Cross ay walang pasyente na naisugod sa kanila o nilapatan nila ng lunas.