Dinurog ni Pangulong Benigno Aquino III si dating pangulong Aquino si dating pangulong Ferdinand Marcos at ang pamilya nito sa kanyang talumpati sa ika-30 anibersaryo ng Edsa People Power Revolution.
Ayon kay pangulo, ang dating diktador ang pamilya nito at mga crony ang nagpakasasa sa puwesto noong panahon ng martial law.
Patutsada ng pangulo, kung may nagsasabi na golden age ang panahon ni Marcos, hindi ito golden age para sa mamamayang Pilipino.
Aniya, kung golden age ang rehimeng Marcos, ito ay golden age para sa mga crony, ng malaking pagkaka- utang, brain drain at pang-aabuso sa mga Moro.
Hindi rin pinalampas ni Pangulong Aquino ang pagkakataon para banatan si Senador Bongbong Marcos.
Aniya, bagaman hindi maisisi ang kasalanan ng ama sa anak, hindi niya maintindihan ang matagal na panahon nitong paninindigan laban sa paghingi ng paumanhin sa nangyari sa kanilang panahon.
Nagbabala pa ang pangulo na kung hindi nito nakikita ang kamalian sa ginawa ng kanyang pamilya, ano ang garantiya na hindi niya rin ito uulitin.
Ikinalulungkot din aniya niya ang mga survey kung saan umaangat ang anak ng diktador dahil ang ibig sabihin nito ay nakalimot na ang mga Pilipino at may posibilidad na magbalik ang Martial Law at lahat ng kamalian nito.