Mga Pinoy na magtutungo sa Hong Kong kailangang magpakita ng negatibong COVID-19 test result

Kailangan ng negatibong COVID-19 test ng mga Pinoy na bibiyahe patungong Hong Kong.

Sa abiso ng consulate general office ng Pilipinas sa Hong Kong ang lahat ng Pinoy na magtutungo doon ay dapat sumailalim sa “nucleic acid test” 72-oras bago ang kanilang biyahe.

Ang mga airlines ay kailangang hingin sa pasahero ang sertipikasyon mula sa laboratoryo na nagsasabing COVID-19 negative ito.

Kailangan din na ang laboratoryo ay aprubado ng pamahalaan ng Pilipinas.

Ang hindi makatutugon sa requirements ay hindi makapapasok sa Hong Kong.

 

 

Read more...