Mahigit 1,600 pang Overseas Filipinos nakauwi na sa bansa

Mayroon pang mahigit 1,600 na Pinoy ang dumating sa bansa nitong nagdaang weekend.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) magkakasunod na chartered at special repatriation flight ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport.

Kabilang dito ang 278 na overseas Filipinos galing ng Oman.

Ito na ang ikatlong repatriation flight mula Oman ngayong buwan ng Hulyo.

Samantala, mayroon ding 631 na Filipino repatriates ang nakauwi na ng bansa galing ng Qatar.

Habang mayroon pang 707 na OFWs galing Saudi Arabia ang dumating lulan ng Philippine Airlines flights PR655 at PR8661.

 

 

Read more...