Water level ng Angat dam muling nabawasan sa magdamag

Nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 184.36 meters alas-6:00 umaga ng Lunes (July 20) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 184.52 meters.

Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 98.93 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 98.97 habang bahagya ring nabawasan ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 77.74 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 77.75 meters.

Samantala, nabawasan naman ang water level ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan at Magat dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Binga at Caliraya dams.

 

 

Read more...