2,113 naaresto simula nang umiral ang lockdown sa Navotas City

Umabot na sa mahigit 2,000 ang bilang ng mga naarestong violators simula nang umiral ang lockdown sa Navotas City.

Sa datos ng Navotas City LGU, hanggang alas 5:00 ng hapon ng Linggo, July 19 ay 2,113 na ang bilang ng mga naarestong lockdown violators.

Sa nasabing bilang, 2,064 ang nasa hustong gulang na habang 159 ang menor de edad.

Ang mga nahuli ay lumabag sa iba’t ibang ordinansa kabilang na ang mandatory na pagsusuot ng face mask.

 

 

Read more...