LTFRB Central Office balik-operasyon ngayong araw

Balik-operasyon na ang tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Central Office ngayong araw ng Lunes, ika-20 ng Hulyo 2020.

Nagsara ang ahensya noong nakaraang linggo upang magsagawa ng masusing disinfection sa mga pasilidad matapos makumpirma ang mga positibong kaso ng COVID-19 sa ilang empleyado na sumailalim sa RT-PCR swab testing ng Philippine Red Cross, katuwang ang Philippine Coast Guard.

Upang mabawasan ang paglabas sa mga tahanan hanggang maaari, hinihimok ng LTFRB ang publiko na gumamit ng online transactions para sa mga sumusunod:

1. Request for Special Permit;
2. Correction of Typographical Error;
3. Request for Confirmation of Unit/s;
4. Request for Franchise Verification;
5. Request for Issuance or Extension Provisional Authority;
6. Legal Concerns/Query on Hearing Schedule, Status

Mangyari lamang na sundin ang mga instructions na makikita sa link na ito:
https://www.facebook.com/…/p.26284342107…/2628434210731824/…

Para naman sa mga stakeholders na nasa LTFRB NCR ang records, maaari din mag-transact sa pamamagitan ng kanilang Public Transport Online Processing System (PTOPS) na matatagpuan sa link na ito: https://ncr-ltfrb.pisopay.com.ph/en

 

 

Read more...