ITCZ magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

Apektado ng intertropical convergence zone ang Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa weather forecast ng PAGASA ang ITCZ ay magdudulot ng maulap na papawiriin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, at Visayas.

Kaninang alas 4:25 ng umaga nakataas ang thunderstorm advisory ng PAGASA sa buong lalawigan ng Quezon.

Nakasaad sa abiso na katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang nararanasan sa nasabing lalawigan.

Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas lamang ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na mayroong isolated na mga pag-ulan.

Wala namang iaasahang sama ng panahon na mabubuo sa Philippine Area of Responsibility sa susunod na mga araw.

 

 

 

Read more...