Sen. Go, hinikayat ang DOH na huwag sayangin ang COVID-19 test kits

Hinihikayat ni Senador Christopher Bong Go ang Department of Health (DOH) na huwag sayangin ang COVID-19 test kits na na-develop ng grupo ng mga siyentista sa University of the Philippines.

Ayon kay Go, dapat na samantalahin ng DOH ang mga research na ginagawa ng mva Filipinong siyentista.

Una rito, nanawagan ang mga senador mula sa hanay ng oposisyon na gamitin na ang test kits na nalikha ng UP.

Kasabay nito, hinimok ni Go ang pamahalaan na magkaroon ng mandatory face mask policy.

Ayon kay Go, isang disiplina ito sa mga Filipino para mapabagal ang pagkalat ng COVID-19.

Read more...