Archbishop Romulo Valles, nakarekober na sa stroke

Nakarerekober na mula sa stroke si Catholic Bishops Conference of the Philippines President at Davao Archbishop Romulo Valles.

Nagkaroon ng mild stroke si Valles noong Mayo.

Ayon sa ulat ng Archdiocese ng Davao, nakapag-celebrate na ng misa si Valles noong July 10 kasabay ng kanyang ika-69 na kaarawan.

Nabatid na isang buwan na nanatili sa ospital si Valles.

Read more...