Na-repatriate na overseas Filipinos, halos 90,000 – DFA

Umabot na sa 90,497 na overseas Filipinos (OFs) ang na-repatriate simula nang magpauwi ng mga Filipinong apektado ng COVID-19, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Naitala ang nasabing datos mula February hanggang July 18.

Ayon sa kagawaran, sa nasabing bilang, 40,540 o 44.8 porsyento ang sea-based habang 49,957 o 55.2 porsyento ang land-based.

Sinabi ng kagawaran na patuloy pa rin ang repatriation sa mga nais umuwi ng Pilipinas.

Inabisuhan ng DFA ang sinumang OF na nais makauwi ng Pilipinas ay maaaring ipagbigay-alam sa embahada o konsulado sa kanilang lugar.

Read more...