Guiuan, Eastern Samar niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

Tumama ang magnitude 4.1 na lindol sa Eastern Samar.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 85 kilometers Southeast ng Guiuan bandang 5:46 ng hapon.

Isang kilometro lang ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Sinabi ng Phivolcs na wala namang napaulat na pinsala at intensities sa nasabing lugar at karatig-bayan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...