Pagpapawalang-bisa sa Anti-Terror Law, inihirit sa SC

Humihirit ang grupong Karapatan sa Supreme Court na ipawalang bisa ang Anti-Terror Law na una nang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Karapatan Chairperson Elisa Tita Lubi, naghain sila ng petisyon sa Kataas Taasang Hukuman sa pamamagitan ng electronic petition.

Ipinawawalang bisa ang bagong batas dahil malalabag umano ang karapatang pantao ng mga Filipino.

“We are calling on the nullification of the recently-signed law, and in appealing before the High Court to declare the law unconstitutional for it “insidiously encroaches upon fundamental and constitutional rights, such arbitrary deprivation of the right to life, liberty and property and the non-observance of the right to due process and to presumption of innocence,” pahayag ni Lubi.

Draconian aniya ang bagong batas dahil walang safeguards para pangalagaan ang karapatang pantao ng bawat isa.

“The Anti-Terrorism Act is a classic example of a purported cure being worse than the disease it seeks to remedy. For in seeking to stamp out the evil of so-called ‘terrorism,’ the statute seeks to enfeeble the democratic structures of the Constitution, such that its libertarian guarantees devolve into mere husks of hortatory rhetoric. Such is how the virus of authoritarianism spreads: first, a threat of harm, then an appeal to fear; then an offer of succor in shallow security, and; finally, with the host blindsided, the hostage of democracy,” bahagi ng petisyon.

Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang bagong batas noong July 3 at naging epektibo, July 18.

Read more...