Isa pang kaso ng COVID-19, naitala sa Tarlac

Napaulat ang isa pang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Tarlac.

Sa datos hanggang 10:00, Linggo ng umaga (July 19), umabot na sa 55 ang mga tinamaan ng nakakahawang sakit sa nasabing probinsya.

Sa nasabing bilang, 10 ang aktibong kaso.

Nanatili naman sa 39 ang mga naka-recover na residente sa Tarlac habang siyam ang nasawi.

Batay naman sa swab results, 1,863 ang lumabas na negatibo sa COVID-19 at 391 ang pending result.

Read more...