Bilang ng kaso ng COVID-19 sa mundo, halos 14.4 milyon na

Sumampa na sa halos 14.4 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 14,425,865 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 3,833,271 cases.

Sumunod na rito ang Brazil na may 2,075,246 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 1,077,864 naman ang kaso sa India habang 765,437 ang napaulat na kaso sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– South Africa – 350,879
– Peru – 349,500
– Mexico – 338,913
– Chile – 328,846
– Spain – 307,335
– United Kingdom – 294,066
– Iran – 271,606
– Pakistan – 261,916
– Saudi Arabia – 248,416
– Italy – 244,216
– Turkey – 218,717
– Germany – 202,572
– Bangladesh – 202,066

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 604,917 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 8,612,194 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...