Higit 87,000 OFWs, nakauwi na sa mga lalawigan – DOTr

Umabot na sa 87,708 na overseas Filipino workers (OFWs) ang naasistihan sa ilalim ng ‘Hatid-Tulong’ Program.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), naitala ang nasabing bilang ng mga napauwing OFW hanggang July 17.

Sa 87,708 OFWs, 25,756 ay naihatid sa pamamagitan ng land transport at 34,551 naman ang air transport simula May 25 hanggang July 17.

Samantala, 27,401 OFWs pa rin ang nakauwi naman via sea transport mula April 27 hanggang July 17.

Sa pagitan ng nasabing petsa, walang naging biyahe sa June 1, 3, 8, 12, 15, 20, 24 at 28.

Pinangunahan ng DOTr ang naturang programa katuwang ang Office of the President, National Task Force Covid-19, Department of Labor and Employment (DOLE), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Philippine Coast Guard (PCG), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Tourism (DOT), Philippine Ports Authority (PPA), Office for Transportation Security (OTS), Manila International Airport Authority (MIAA), Land Transportation Office (LTO), at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Read more...