Global death toll bunsod ng COVID-19, halos 600,000 na

Pumalo na sa halos 600,000 ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 599,416 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 142,064.

Sumunod na rito ang Brazil na may 77,932 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 45,233 naman ang death toll sa United Kingdom habang 38,310 ang napaulat na nasawi sa Mexico.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Italy – 35,028
– France – 30,152
– Spain – 28,420
– India – 26,285
– Iran – 13,791
– Peru – 12,799
– Russia – 12,123
– Belgium – 9,800
– Germany – 9,160
– Canada – 8,839
– Chile – 8,347
– Colombia – 6,288
– Netherlands – 6,138

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 14,194,139 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 8,470,275 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...