Butig, Lanao Del Sur niyanig ng lindol

Tumama ang magnitude 3.2 na lindol sa Butig, Lanao Del Sur.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 18 kilometers Southeast ng Butig bandang 9:09 ng umaga.

Walong kilometro ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Wala namang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...