Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 699

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Huwebes, July 16), nadagdagan ng 19 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 699 habang 549 ang active cases.

Ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay nasa 110 na.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 1,358.

Read more...