Nadagdagan pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lalawigan ng Laguna.
Base sa huling datos ng Laguna PDRRMO at PHO (Biyernes, July 17, 3PM), umabot na sa 792 ang bilang ng active cases sa lalawigan.
Narito ang mga lugar na mayroong COVID-19 active cases:
San Pedro (Larger Community) – 160
San Pedro (BJMP) – 18
Biñan (Larger Community) – 234
Biñan (BJMP) – 4
Santa Rosa – 177
Calamba – 65
Los Baños – 12
Cabuyao – 54
San Pablo – 20
Santa Cruz – 5
Bay – 9
Calauan – 8
Alaminos – 8
Victoria – 2
Nagcarlan – 6
Liliw – 2
Pagsanjan – 1
Majayjay – 1
Cavinti – 1
Siniloan – 2
Magdalena – 1
Rizal – 1
Mabitac – 1
Ang bilang ng COVID-19 related deaths sa lalawigan ay nanatili sa 70.
Ang bilang naman ng nakarecover na ay umabot na sa 751.
Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 1,613.
Samantala, nasa 2,923 naman ang bilang ng suspected cases at 79 ang probable cases.